72-anyos na lolo na dinukot sa Dipolog City, nakauwi na sa kanyang pamilya

Dipolog City – Kapiling na ngayon ng isang 72 anyos na lolo ang kanyang pamilya sa Dipolog City matapos ito’y dinukot umano ng hindi pa nakilalang mga suspetsado.

Ayon sa anak ng biktima na si Irene Recososa, sinalubong nila ang kanyang ama sa Pagadian City matapos may nag-inform sa kanila na kunin na lamang ito sa nasabing lugar.

Hindi naman sinabi ni Recososa kung magkano ang binabayaran nilang ransom money kapalit ng kalayaan ng kanyang ama.


Batay sa ulat ng Dipolog City police station na dakong alas-8:30 ng umaga nang maireport sa kanilang himpilan ang pangyayari ng mismong anak ng biktima na si Irene Recososa 41-anyos.

Base sa salaysay ng anak ng biktima na dakong ala-1:30 ng madaling araw nang puwersahan umanong kunin ng nasa pitong kalalakihan ang kanyang ama na nakilalang si Deogracias Orquillas Recososa partikular sa highway ng Barangay Galas, Dipolog City at itinakas sakay ng isang kulay itim na van.

Ang nasabing impormasyon ay nagmula umano mismo sa biktima nang makatawag ito sa isa nilang kakilala ng dalawang beses.

Sinabi pa umano ng matanda na kasalukuyan siyang nasa isang lugar sa bayan ng Malabang sa lalawigan ng Lanao del Sur kasama ang dalawa pang bihag kung saan hawak umano sila ng isang grupo na pinamumunuan ng isang “Ahmad” kung saan humingi ang mga ito ng halagang P20,000 para sa pagkain umano niya at gasolina.

Sa panig naman ng pulisya, hindi ito kumbinsido na dinukot ang biktima.

Facebook Comments