
Hindi na kailangan ng personal na presensya ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan kaugnay ng imbestigasyon ng pagkalunod ng 2 Ateneo basketball players sa Aurora ayon ito kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi ni Remulla sa text nito sa mga reporters na pinaalam ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Robert Morico II sa mga abogado ni Pangilinan na ang affidavit nito ay sapat na dahil na rin sa halos kumpleto na ang case build up sa nasabing insidente.
Nabatid na pinatawag din ng CIDG kahapon ang nasabing negosyante para sa nasabing nagpapatuloy na imbestigasyon.
Na kung saan hindi ito personal na dumalo kundi ang mga abogado lamang nito ang pumunta sa tanggapan ng CIDG.
Inaasahan naman na sakaling tapos na ang imbestigasyon ng tanggapan sa nasabing insidente ay maaari na silang magrekomenda ng kaso sa Department of Justice (DOJ).










