
Pinabulaanan ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang usap-usapang magkakaroon ng balasahan sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay Castro, sa ngayon ay wala siyang impormasyon hinggil sa planong pagpapalit sa hanay ng mga miyembro ng Gabinete.
Tinanong din siya tungkol sa mga bali-balitang isa siya sa mga maaaring mapalitan sa puwesto.
Sinabi ni Castro na handa siyang maglingkod anumang oras ayon sa kagustuhan ng pangulo dahil ang lahat ng opisyal ay nanunungkulan sa tiwala nito.
Dagdag pa niya, hintayin na lamang umano ng mga fake news peddlers ang mga “susunod na kabanata.”
Facebook Comments










