
Pinagpapaliwanag na sa Intelligence and Investigation Division ng Land Transportation Office o LTO ang rider na sangkot sa viral road rage sa hindi pa pinapangalanang kalsada.
Sa ulat ng LTO base umano sa viral video, biglang lumipat ang motorista sa kanang linya mula sa kaliwang linya at tumama umano ang paa ng babaeng angkas ng isang motorista sa harapang bahagi ng motorsiklo ng rider.
Nagkaroon pa umano ng komprontasyon sa pagitan ng dalawang motorista kasabay ng paggamit ng hindi kanais nais na mga salita.
Samantala, isinailalim na rin sa alarm status ang motorsiklong ginamit sa insidente habang pansamantala namang sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng driver habang gumugulong ang imbestigasyon.
Facebook Comments










