Tuesday, June 9, 2026

Senador Erwin Tulfo, humingi ng paumanhin sa mga empleyado ng senado

Humingi ng paumanhin si Senator Erwin Tulfo sa mga empleyado ng Senado kaugnay sa matatalim at maaanghang na mga salita na kanyang binitawan laban sa mga ito.

Nakipagpulong at personal na nakipagkita ang senador sa mga kawani ng mataas na kapulungan at nagpaliwanag ito tungkol sa nasabi.

Paliwanag ng senador, dala lamang ng kanyang emosyon at malalang pagkadismaya sa mga nangyayari.

Gayunman, batid ni Tulfo na hindi ito excuse para sa kanyang inasal kaya humihingi siya ng patawad.

Tinanggap naman ng mga manggagawa sa Senado ang paghingi ng sorry ni Tulfo.

Ayon kay Rosel Eugenio, Presidente ng unyon ng mga manggagawa sa Senado, tinatanggap nila ang paghingi ng paumanhin ni Tulfo at batid nilang bukal sa loob at tapat ang paghingi ng paumanhin ng senador.

Facebook Comments