Thursday, August 13, 2026

Defense Sec. Teodoro, tinawag na “extortion at blackmail” ang hakbang ng China vs Pilipino sa Macau at HK

Tinuturing ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na “extortion at blackmail” ang hakbang ng China laban sa mga Pilipinong nagtatatrabaho sa Hongkong at Macau.

Ito ay kasunod ng ulat ng mga operasyon ng China laban sa mga Pilipinong umano’y iligal na naninirahan o nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Kung saan isinagawa umano ang operasyon bilang tugon ng China sa naging aksyon ng Pilipinas laban sa ilang Chinese nationals na sangkot sa iligal na operasyon sa bansa.

Nabatid na ilan sa mga isinagawang operasyon ng Pilipinas laban sa mga Chinese nationals ang pag-aresto sa nasa higit 60 Chinese nationals sa isang hazardous steel plant sa Misamis Oriental na ni-raid noong Mayo ngayong taon.

Kung saan ayon kay Teodoro, mariin nyang kinokondena ang pagtatangka ng China na mangialam sa pagpapatupad ng batas ng Pilipinas.

Aniya, ang pag-aresto sa mga Chinese nationals na ito ay isinagawa base sa search warrants na inisyu ng korte at isinagawa sa legal sa proseso.

Facebook Comments