
Mariing kinukundena ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panibagong school shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School kung saan dalawang estudyante ang kumpirmadong nasawi.
Hiniling ni Gatchalian ang malalimang imbestigasyon at nananawagan din siya sa Department of Education (DEPED) at sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga na magbigay ng agarang psychosocial support sa mga apektadong mag-aaral at mga tauhan ng paaralan.
Kailangan aniyang malaman kung papaanong nakuha ng shooter mula sa magulang ang baril at naipasok ito sa paaralan.
Tiniyak naman ng Senate President ang patuloy na pakikipagtulungan sa sektor ng edukasyon at sa mga komunidad upang masugpo ang mga karahasan sa paaralan.
Samantala, nanlumo naman si Senator Bam Aquino bilang isang magulang matapos na malaman na ang espasyo kung saan dapat nabubuo ang pag-asa at pangarap ng mga kabataan ay nagiging lugar ng takot at karahasan.
Sinabi rin ni Aquino na gagawin ang lahat ng paraan ng Senado na hindi na maulit ang insidente.










