
Nagpaabot ng pakikiramay si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga batang nasawi sa nangyaring pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga.
Tiniyak ni Dy na kikilos ang House of Representatives nang maagap at batay sa ebidensya, para humanap ng mga solusyong tunay na magbibigay-proteksyon sa ating mga anak.
Ayon kay Dy, makikinig ang Kamara sa mga eksperto at kanilang susuriin ang pag-aaral, pananaliksik at karanasan ng ibang bansa upang masiguradong batay sa katotohanan at mga ebidensya ang kanilang magiging hakbang.
Diin ni Dy, kailangang maintindihan nilang mga mambabatas kung bakit at paano nangyari ang trahedya, kung ano ang maaaring nakapigil, at kung ano ang dapat nating baguhin para manatiling ligtas ang ating mga anak sa paaralan.










