Saturday, August 15, 2026

Tax deadline ng mga taxpayer na apektado ng habagat at technical issues sa eBIRforms, pinalawig ng BIR hanggang Martes

Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa pagbabayad ng buwis sa mga taxpayer na labis na naapektuhan ng habagat at technical issues sa eBIRForms.

Sa ilalim ng BIR Revenue Memorandum Circular No. 95-2026, ang deadline sa pagbabayad ng buwis ay pinalawig hanggang hanggang August 18 mula sa dating deadline na Agosto 10.

Kabilang dito ang piling tax filing, payment, remittance, registration, at iba pang submission requirements.

Sinabi ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, layon ng hakbang ng ahensiya na mabigyan ng sapat na oras ang mga apektadong taxpayer na magbayad ng walang multa.

Kasabay nito, inatasan na rin ng BIR ang mga awtorisadong agent banks na tumanggap ng mga sakop na tax return at bayarin hanggang sa deadline.

Nilinaw naman ng BIR na hindi kasama sa extension ang mga taxpayer na gumagamit ng electronic filling and payment system (eFPS) at hindi sakop ng naunang circular.

Facebook Comments