Tuesday, August 18, 2026

Pag-ban sa mga kabataan sa paggamit ng social media, ipinanawagan ng isang senador

Nanawagan si Senator Robinhood Padilla na isulong na ang tuluyang pag-ban sa mga kabataan sa paggamit ng social media.

Kasunod na rin ito ng nangyaring panibagong school shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School sa Zamboanga City kung saan dalawa ang nasawi.

Giit ni Padilla, noon pa niya sinasabi ang napapansing masamang epekto at impluwensya ng paggamit ng social media ng mga kabataan na mas lalong nalalantad sa karahasan.

Dapat aniyang magkaroon na ng masusing pagtalakay sa pagkakaroon ng batas at polisiya sa paggamit ng mga kabataan sa social media.

Matatandaang si Padilla rin ay isinusulong na maibaba sa sampung taong gulang ang age of criminal liability sa mga kabataan.

Facebook Comments