Monday, June 1, 2026

ISANG PHILIPPINE SCOPS OWL, NARESCUE SA BAYAN NG POZORRUBIO

Sa malawak nating kapaligiran, may mga ibon na minsan ay naliligaw mula sa kanilang mga natural na tahanan – maaring dahil sa migration o kaya naman ay sa paghahanap nila ng mga makakain.

Ito ang dahilan kung bakit napunta ang isang endemic na Philippine Scops Owl sa isang residential area sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.

Isang concerned citizen ang nakakita umano sa kuwago na nasa kaniyang tahanan at agad naman niya itong nai-surrender sa tanggapan ng Municipal Environment And Natural Resources ng Pozorrubio upang mabigyan ng tamang pagsusuri.

Matapos matiyak na ito ay ligtas at maayos ang kalagayan, dinala ito sa tanggapan ng CENRO Eastern Pangasinan nito lamang May 28, 2026.

Ang mga ganitong uri ng hayop ay malaki rin ang ginagampanang tungkulin sa pagbalanse ng ating biodiversity kaya naman kung sakaling makakita rin ng mga ganitong mga ligaw na hayop ay agad makipag-ugnayan sa inyong mga lokal na otoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments