Monday, July 27, 2026

REAL-TIME BOAT MONITORING SYSTEM, INILUNSAD SA ALAMINOS CITY

Isinagawa sa Hundred Islands National Park sa Alaminos City ang presentasyon, pagsasanay, at orientation para sa isang Internet of Things (IoT)-based boat tracking and management system na naglalayong palakasin ang kaligtasan sa karagatan at gawing mas mabisa ang pamamahala sa mga bangkang bumibiyahe.

Tampok sa proyekto ang paggamit ng real-time tracking at data analytics upang mapahusay ang monitoring ng mga sasakyang-pandagat at suportahan ang mas maayos na operasyon sa isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga turista sa Pangasinan.

Ang inisyatiba ay binuo ng Pangasinan State University–Urdaneta City Campus sa ilalim ng pondong inilaan ng Department of Science and Technology (DOST), katuwang ang pamahalaang lungsod.

Inaasahang makatutulong ang sistema sa pagpapabuti ng maritime safety, pangangasiwa ng turismo, at paggamit ng teknolohiya sa pamamahala ng mga pampublikong serbisyo sa Hundred Islands. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments