Monday, June 1, 2026

DALAWANG SUSPEK, TIMBOG SA PAGNANAKAW NG MGA PRODUKTONG BONELESS BANGUS

Dalawang lalaki ang inaresto matapos ang umano’y pagnanakaw ng 50 packs ng boneless bangus na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱8,250 sa isang warehouse sa Brgy. Pantal, Dagupan City, noong madaling araw ng Sabado, Mayo 30, 2026.

Ayon sa ulat, nadiskubre ng may-ari ng warehouse ang insidente bandang 8:00 AM nang mapansing bukas ang main door at magulo ang loob ng bodega. Sa isinagawang imbentaryo, natuklasang nawawala ang ilang pakete ng produktong boneless bangus.

Sa backtracking ng CCTV footage, nakita umano ang dalawang suspek na naglalabas ng mga nakaw na produkto mula sa warehouse. Agad itong iniulat sa barangay at humingi ng tulong sa pulisya, na nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek.

Hindi pa narekober ang mga ninakaw na items habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments