Friday, April 24, 2026

Grupo ng mga guro, nagkasa ng kilos-protesta sa Maynila para hilingin ang dagdag-sweldo

Nagkasa ng kilos-protesta ang mga guro mula sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at Region I sa Mendiola, Maynila.

Ito’y para ipanawagan na agad ipatupad ang dagdag na ₱15,000 across-the-board salary increase sa lahat ng mga guro at education personnel.

Mula sa labas ng tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM), nag-martsa ang mga guro hanggang makarating ng Mendiola tsaka sila nagsagawa ng programa.

Pinangunahan ang protesta ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) kung saan dismayado na ang mga pampublikong guro dahil sa mababang sweldo at kakulangan ng benepisyo mula sa pamahalaan.

Giit ng grupo, dahil sa mababang sweldo, napipilitan at nababaon sa utang ang mga guro kung kaya’t ilan sa kanila ay maliit ang sweldong nakukuha at kung hindi naman makabayad ay nakakasuhan pa

Paliwanag pa ng mga guro na miyembro ng Teachers’ Dignity Coalition na ang ₱15,000 dagdag sahod sa mga guro ay katumbas lamang ng ₱210 billion na kung tutuusin ay mas mababa pa kaysa ₱346 billion na inilaan para sa flood control projects.

Facebook Comments