TAGUMPAY NG INTER-TOWN BASKETBALL TOURNAMENT SA PANGASINAN, KINILALA

Kinilala ng mga organizers ang naging matagumpay na pagsasagawa ng Inter-Town Basketball Tournament sa Pangasinan, na nilahukan ng 48 local government units (LGUs) mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Sa inilabas na pahayag ng mga komisyoner ng torneo, binigyang-diin ang malawak na partisipasyon ng mga LGU, na anila’y nagpakita ng pagkakaisa at aktibong suporta sa naturang paligsahan. Naging tampok din sa torneo ang kompetisyon sa pagitan ng mga koponan, kung saan ipinakita ang disiplina, determinasyon, at sportsmanship ng mga manlalaro.

Kinilala rin ang ambag ng mga lokal na opisyal, organizers, coaches, at team officials sa maayos na daloy ng kompetisyon. Ayon sa mga organizers, naging mahalaga ang koordinasyon ng iba’t ibang sektor upang maisakatuparan ang aktibidad.

Sa kabuuan, itinuring ang torneo bilang higit pa sa isang sporting event, kundi isang hakbang sa pagpapalakas ng youth development at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad sa buong lalawigan.

Samantala, binati rin ang mga koponang nagwagi, kung saan tinanghal na champion ang Team Calasiao at ang lahat ng lumahok sa kompetisyon. Inaasahan naman ang pagpapatuloy ng mga kahalintulad na programa na layong isulong ang sports development at pagkakaisa sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments