ITINALAGA | Mon Tulfo, itinalagang Special Envoy to China

109

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Special Envoy to China ang broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo.

October 23 nang lagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Tulfo na hahawakan ang naturang pwesto sa loob ng anim na buwan.

Una nang sinabi ni Tulfo na hindi siya tatakbo sa Senado sa kabila ng positibong feedback sa mga pre-election surveys at tinanggihan rin ang tulong na alok ni Duterte para sa senatorial bid.

Maliban kay Tulfo, nilagdaan rin ng Pangulo ang appointment paper ni Incumbent Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza bilang Special Envoy to the European Union.

Facebook Comments