JPE, dalawang iba pa, nadagdag sa listahan ng soon-to-be cabinet officials ng susunod na administrasyon

70

Nadagdag sa listahan ng mga soon-to-be cabinet officials ng administrasyong Marcos sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra at retired General Jose Faustino Jr.

Ayon kay incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, itinalaga ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Enrile bilang presidential legal counsel.

Nakatakda namang magsilbi bilang susunod na solicitor general si Guevarra habang kalihim ng Department of National Defense (DND) si Faustino.


Pero paglilinaw ni Cruz-Angeles, magsisilbi munang senior undersecretary at officer-in-charge ng DND si Faustino bago umupong kalihim ng ahensya sa November 13, 2022 bilang pagtalima sa one-year ban ng pagtatalaga sa mga retired military officer sa ilalim ng RA 6975.

Facebook Comments