
Inilabas ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na humihiling na agarang resolbahin ang kaniyang hiling na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Preliminary Mandatory Injunction.
Ito ay kaugnay sa kinakaharap ni Duterte na kasong grave threats na inihain ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Batay sa urgent motion ni VP Sara, hiniling nilang pigilan ang pag-usad ng proceedings laban sa kaniya habang dinirinig ang inihaing petisyon sa Kataas-taasang Hukuman.
Ayon pa sa kampo ng bise presidente, mabilis ang pag-usad ng paglilitis kaya mayroon umanong panganib na mawalan ng saysay ang kanilang hiling sa Supreme Court kung hindi agad ito aaksyunan.
Iginiit din ng kampo ni Duterte na dapat munang maresolba ang usapin ng hurisdiksyon at kung naaayon sa Konstitusyon kabilang na ang immunity sa kaso ng isang impeachable officer.
Bukas, alas-8:30 ng umaga sasalang si Duterte sa kaniyang arraignment at pre-trial sa QC RTC.










