
Handa na ang House prosecution panel na ipresenta sa Impeachment Court ang ikalawang article of impeachment patungkol sa hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte na hindi nito idineklara sa kanyang Statment of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Kasama sa kanilang paghahanda ang pagpresenta ng nasa 25 potensyal na mga testigo kasama si dating Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon kay House Prosecutor Manila Rep. Joel Chua at House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V nakahalaga ng magiging testimonya ni Trillanes may mga financial information itong inilahad sa he House Committee on Justice proceedings na napagtibay ng Anti-Money Laundering Council records.
Pinaalala din ni Chua na si Trillanes ang nagsiwalat ng mga ebidensya laban kay VP Duterte at sa iba pang miyembro ng pamilya Duterte.
Binanggit naman ni Ortega na maraming alam si Trillanes dahil krusada nito ang paglalantad ng katiwalian ng mga Duterte.










