Sunday, September 27, 2026

Malacañang, hinamon si VP Sara na sagutin ng ebidensya ang alegasyong ₱2-B na cash deliveries sa kaniya

Hinamon ng Malacañang si Vice President Sara Duterte na sagutin nang may ebidensiya ang alegasyong tumanggap siya ng mahigit P2 billion mula kay dating police officer Rodulfo Gracioso.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na dapat harapin ng Bise Presidente ang mga paratang laban sa kanya sa halip na ibaling ang usapan sa administrasyong Marcos.

Pinayuhan din ni Castro si Duterte na magdepensa gamit ang ebidensiya at iwasan ang mga argumentong hindi direktang tumutugon sa alegasyon.

Itinanggi naman ni Duterte na kilala niya si Gracioso at sinabing wala siyang tinanggap na pera mula rito.

Iginiit din ng Bise Presidente na desperado umano ang administrasyong Marcos na pabagsakin siya.

Patuloy na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pahayag ni Gracioso.

Facebook Comments