Monday, September 28, 2026

Excise tax sa LPG at kerosene, muling sinuspinde

Muling sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang excise tax sa LPG at kerosene dahil sa mataas na presyo ng langis sa world market.

Ito ay matapos umabot sa 99 dollars and 41 cents kada bariles ang one-month average price ng Dubai crude oil, lagpas sa 80-dollar threshold na itinakda ng batas.

Dahil dito, pansamantalang walang excise tax sa karaniwang LPG at kerosene, maliban sa ilang gamit gaya ng petrochemical production, motive power at aviation fuel.

Mananatili ang suspension hanggang bumaba sa 80 dollars kada bariles ang average Dubai crude oil price, o hanggang tatlong buwan mula sa bisa ng executive order—alinman ang mauna.

Nauna nang nagpatupad ng kaparehong tax suspension noong Abril, pero ibinalik din ito noong Hulyo matapos bumaba ang presyo ng langis.

Facebook Comments