
Tututukan ng pamahalaan ang coconut industry sa ilalim ng Free Trade Agreement o FTA ng Pilipinas at European Union.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nais ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang coconut farmers at exporters dahil mataas ang potensyal ng coconut products sa global market.
Kasunod ito ng pagtatapos ng negosasyon para sa FTA, na target malagdaan sa 2027.
Sinabi ni Castro na mahalaga ang FTA dahil papalapit na ang pagtatapos ng EU Generalized Scheme of Preferences o GSP sa 2027.
Sa ilalim ng FTA, magkakaroon ang Pilipinas ng permanenteng trade agreement sa EU, na inaasahang magpapalawak sa exports at oportunidad para sa MSMEs at mga manggagawa.
Facebook Comments










