KABATAAN MULA ALAMINOS CITY, NAGWAGI NG GOLD AWARD SA GLOBAL IT CHALLENGE SA VIETNAM

Isang kabataang mula sa Lungsod ng Alaminos ang nag-uwi ng Gold (Best) Award sa 2026 Global IT Challenge na ginanap sa Vietnam.

Kinilala si Jeff Matthew Salcedo bilang pinakamahusay sa E-Creative Category matapos makamit ang pinakamataas na parangal sa naturang international competition.

Dahil sa kanyang tagumpay, muling naitanghal ang kakayahan ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng Information Technology sa pandaigdigang entablado.

Ikinatuwa naman ng Lungsod ng Alaminos ang pagkakamit ni Salcedo ng naturang parangal at nagpahayag ng pagbati sa kanyang tagumpay.

Ang 2026 Global IT Challenge ay isang pandaigdigang kompetisyon na nagbibigay-pagkakataon sa mga kalahok na maipakita ang kanilang kakayahan sa paggamit ng teknolohiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments