Tuesday, November 3, 2026

Pasig Boulevard – C5 Flyover, ininspeksiyon ng DPWH matapos ang retrofitting works

Nagsagawa ang Department of Public Works and Highways o DPWH ng inspeksiyon sa Pasig Boulevard-C5 Flyover na sumailalim sa retrofitting works para mapalakas ang istruktura nito at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Pinangunahan nina DPWH Sec. Banoy Lopez at dating kalihim ng ahensiya na si Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon ang pagsusuri sa naturang imprastraktura bilang bahagi ng transition activities ng dalawang opisyal.

Layunin din ng inspeksiyon na matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga kinakailangang repair at maintenance works, gayundin ang mga kasalukuyang proyekto at pangako ng ahensya sa imprastraktura.

Kasabay nito, humingi naman si Banoy ng paumanhin sa mga motoristang nakaranas ng matinding traffic na dulot ng isinagawang road works noong Undas.

Facebook Comments