Kabuuang 20 Katao, Nalambat ng Oplan Manhunt Charlie!

Tuguegarao City – Dalawampung katao ang naaresto kahapon matapos ikasa ng magkakaibang police station ang operasyon sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 02 ng Oplan Manhunt Charlie.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jerremais Tapec Sanchez (Top 6 Municipal Level), 35 anyos, walang asawa, karpentero at residente ng Brgy. Dammang, Sanchez Mira, Cagayan sa kasong paglabag sa R.A. 9165;

Guillermo Lyngelle Bilag, 44 anyos, isang guro at residente ng Brgy. Catotoran Norte, Camalaniugan, Cagayan sa kasong 3 counts sa paglabag sa Batas Pambansa 22;


Tony Palabay, 47 anyos, may asawa, HS Graduate, magsasaka at residente ng Brgy. Liwan Norte, Enrile, Cagayan dahil sa kasong RIR in Homicide;

Evelyn Doniego Pagauisan, 61 anyos, bio\yuda at residente ng Ajat, Iguig, Cagayan sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997 as amended by RA 8424;

Reden Aldaca Fontanilla, 23 anyos, walang asawa, manggagawa at residente ng Sitio Kinacao, Brgy. Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide;

Jose Sebastian, 58 anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Brgy. Patunungan, Sta Ana, Cagayan sa kasong paglabags sa PD 705;

Rose Manuel Invierno, 27 anyos, may asawa at residente ng Kapanikian Sur, Allacapan, Cagayan dahil sa kasong Qualified Theft;

Ramon Juan Pablo, 62 anyos, may asawa, Market Development Officer (Vigor seed) at residente ng Brgy. Maura, Aparri, Cagayan dahil sa kasong Estafa;

Orlando Macabangon Mateo, 64 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Centro 2, Lasam, Cagayan dahil sa kasong 2 counts of Grave Oral Defamation;

Joseph Parec Dumlao, 23 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Palaui, Sta. Ana, Cagayan dahil sa kasong Murder;

Arnel Formerio Flores, 47 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Aridowen, Sta. Teresita, Cagayan dahil sa kasong Attempted Homicide;

Eric Agustin Savella, 24 anyos, binata, high school graduate, magsasaka at residente ng Brgy. Sta. Isabel, Buguey, Cagayan dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide;

Domingo Taguinod Ballad, 63 anyos, mechanic at residente ng Brgy. Dodan, Peñablanca, Cagayan dahil sa kasong paglabag sa RA 9262;

Rixcel Santos Nambio, 29 anyos, may asawa, janitor at residente ng Gaddangao, Rizal, Cagayan dahil sa kasong paglabag sa M.O. 2006-07 Anti-Smoking Ordinance;

Manny Orteza Ifurung, 41 anyos, binata, manggagawa at residente ng Brgy. Guiddam, Abulug, Cagayan dahil sa kasong paglabag sa PD 1866 as amended by R.A. 8294;

Federico Bumagat Tan, 47 anyos, may asawa, security guard, at residente ng Brgy. Dibalio at Severino Salacup Guerrin Jr., 28 anyos, self-employed at residente ng Brgy. Centro 8, Claveria, Cagayan dahil sa kasong Qualified Theft;

Alejandro Valdez Villanueva, 30 anyos, walang asawa, self-employed at residente ng Brgy. Abanqueruan, Pamplona, Cagayan dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide; Physical Injuries and Damage to Property;

 

Jonathan Balboa, 22 anyos at residente ng Tubel, Allacapan, Cagayan dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 at Jallorina Dalilis, 35 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Careb, Bagabag, Nueva Vizcaya dahil sa kasong pagnanakaw.

 

Nasa proseso na ng pagpapasakamay sa court of origin ang mga akusado para sa kani-kanilang mga kaso.

Facebook Comments