Sumailalim sa financial literacy training ang mga parent leader ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Infanta bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman sa wastong paghawak at pamamahala ng pananalapi.
Pinangunahan ang pagsasanay ng Municipal Social Welfare and Development Office katuwang ang Municipal Operations Office.
Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng disiplina sa paggastos, tamang pagba-budget, at maayos na pamamahala ng kita upang matulungan ang mga pamilya na maging mas handa sa mga hamon sa ekonomiya.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na mapalakas ang kakayahan ng mga magulang sa pagpaplano para sa pangmatagalang pangangailangan ng kanilang pamilya at maisulong ang mas matatag na kabuhayan.
Bahagi rin umano ito ng pagpapatupad ng mga programang nakatuon hindi lamang sa agarang ayuda kundi maging sa pagbibigay ng kasanayan at kaalamang makatutulong sa pangmatagalang pag-unlad ng mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








