KASALUKUYANG KONDISYON NG ANDA BRIDGE, SINURI

Nagsagawa ng structural integrity assessment sa Anda Bridge ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 katuwang ang lokal na pamahalaan ng Anda.

Layunin ng inspeksyon na alamin ang kasalukuyang kondisyon ng tulay at tukuyin ang mga posibleng kailangang kumpunihin o palakasin upang matiyak ang kaligtasan ng mga gumagamit nito.

Ayon sa mga kinauukulan, bahagi ito ng regular na monitoring sa mga pangunahing imprastraktura upang maiwasan ang anuman
g posibleng pinsala at mapanatili ang ligtas na operasyon ng tulay.
Patuloy ang koordinasyon ng DPWH at LGU Anda para sa mga susunod na hakbang base sa magiging resulta ng assessment. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments