
Nagsagawa ng regular na assessment ang Schools Division Office (SDO) Dagupan City sa Carael National High School bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ayon sa ulat, sinuri ang mga silid-aralan, kagamitang panturo, armchair ng mga estudyante, at ang kaayusan ng mga learning materials bago sila tumanggap ng mga mag-aaral.
Tiningnan din ang mga aspeto ng seguridad sa loob ng paaralan, gayundin ang kondisyon ng mga pasilidad para sa tubig, sanitasyon, at kalinisan o washing facilities.
Bukod dito, bineripika ng mga kawani ng SDO ang datos at mga target ng paaralan sa pakikipag-ugnayan sa mga guro at iba pang school personnel.
Batay sa datos ng SDO Dagupan, natugunan ng Carael National High School ang mga itinakdang administrative checkpoints na bahagi ng pagsusuri para sa School Year 2026–2027. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










