
Tinalakay ng Pamahalaang Bayan ng San Nicolas ang isang panukalang housing project na itatayo sa Brgy. Sta. Maria West upang mabigyan ng ligtas at maayos na tirahan ang mga pamilyang naninirahan sa mga lugar na may mataas na panganib sa sakuna.
Nagkaroon ng talakayan patungkol sa ugnayan ng National Housing Authority (NHA) para sa posibleng implementasyon at suporta sa proyekto.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng housing project na mailipat sa mas ligtas na lugar ang mga pamilyang nakatira malapit sa ilog at iba pang lugar na madaling maapektuhan ng pagbaha at iba pang kalamidad.
Inaasahan naman na maisakatuparan ang proyekto upang matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga residente at mapalakas ang kaligtasan ng komunidad laban sa mga sakuna.
Dumalo sa pulong ang mga opisyal mula sa Municipal Engineering Office, Human Resource Management and Development Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at Municipal Assessor’s Office na nagbigay ng kanilang mga rekomendasyon at suporta para sa pagpapatupad ng proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










