
Hinigpitan ang pagsasagawa ng road clearing operation ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Calasiao katuwang ang Municipal Local Government Operations Office (MLGOO), Calasiao Police Station, CIS members, at mga opisyal ng Barangay Poblacion East at Barangay Nalsian para isaayos ang mga nagtitinda at establisimyento sa gilid ng kalsada tuwing market day.
Kinausap at inabisuhan ang mga vendors at may-ari ng mga establisimyento na panatilihing maluwag ang mga pangunahing lansangan at iwasan ang pagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Ayon sa POSO, mas mahigpit nilang binabantayan ang mga nagbebenta sa gilid ng kalsada lalo na kapag market day dahil sa pagdagsa ng mga mamimili at sasakyan sa bayan.
Bukod sa market day, pinaghahandaan na rin ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2026.
Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga tindero at tindera na sumunod sa mga itinakdang regulasyon para walang anumang sagabal sa mga motorista at mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










