Kalahating milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa isang drug suspek sa Cebu City

54

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang drug suspek sa kanilang operasyon sa Bliss, Brgy. Labangon, Cebu City.

Kinilala itong si Adrian Montecillo Isma alyas Ian, 30 anyos.

Sa ulat na nakarating kay PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., nakuha sa naarestong suspek ang 75 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱510,000.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 ang suspek at nakumpiskang droga.

Ang magandang samahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP sa mga drug operation ang sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Danao na dahilan ng matagumpay na drug operation.

Facebook Comments