
Bukas ang Kamara na makipag-ugnayan sa senado upang pag-aralan at, kung kinakailangan na amyendahan ang batas para mabigyan ang pangulo ng sapat na kapangyarihan na maibaba ang Excise Tax sa mga panahong may matinding pagtaas sa presyo ng langis.
Tiniyak ni Dy ang pakikiisa sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang mamamayan laban sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Dy, kung lalampas sa $80 kada bariles ang presyo ng Dubai crude, ay malinaw na mararamdaman ito ng ating mga kababayan sa pamasahe, sa presyo ng pagkain, at sa iba pang pangunahing bilihin.
Kasabay nito ay nagpahayag din ng suporta si Dy sa panawagan na ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan ay magsagawa ng mga konkretong hakbang upang makatipid sa paggamit ng kuryente sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Giit ni Dy, kailangang kumilos ang pamahalaan nang may malasakit, may pananagutan, at may kahandaan.
biinanggit ni Dy na ang Kamara naman ay handang gampanan ang tungkulin nito upang matiyak na ang kapakanan ng mamamayan ang mananatiling pangunahing prayoridad.










