Pormal nang inilunsad ang Information, Education and Communication (IEC) Campaign on Proper Waste Segregation sa mga barangay ng Quibuar at Pocal Pocal, Alaminos City bilang bahagi ng pinaigting na programa sa pangangalaga ng kapaligiran.
Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang aktibidad na naglalayong palawakin ang kaalaman at disiplina ng mga residente pagdating sa wastong paghihiwalay at pamamahala ng basura. Sa pamamagitan ng kampanyang ito, hinihikayat ang bawat mamamayan na maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kanilang komunidad.
Ipinapaliwanag sa mga residente ang kahalagahan ng tamang segregasyon ng basura bilang hakbang upang mabawasan ang polusyon at mapabuti ang sistema ng waste management sa lungsod.
Inaasahan ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng nasabing kampanya sa iba pang barangay sa mga susunod na araw upang mas maraming komunidad ang maabot at mahikayat na makiisa sa responsableng pangangalaga sa kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










