
Nakita na ng pulisya ang motorsiklo na ginamit ng 2 riding-in-tandem na namaril kahapon na nagresulta sa pagkasawi ng 2 indibidwal sa Timog Ave. Quezon City.
Ayon kay, Quezon City Police District (QCPD) Station 10 Commander PLCol. Zachary Capellan, inabandona ng mga suspek ang motorsiklo sa kahabaan ng Sct. Rallos malapit sa Sct. Ybardolaza St.
Naapagalaman naman ng pulisya na ang plate number na ginamit ay peke at nakarehistro sa ibang indibdwal.
Samantala, may kaugnayan sa negosyo ng isa sa mga nasawi ang tinitingnang motibo sa nasabing krimen.
Ang isa kasi sa mga biktima ay may negosyong bar, clubs at bilyaran.
Nagpapatuloy naman ang manhunt operations sa nasabing mga suspek.
Facebook Comments










