Thursday, April 23, 2026

Trillanes at mga nasa likod ng kaniyang impeachment binuweltahan ng pangalawang pangulo

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na walang bago sa mga alegasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV hinggil sa aniya’y bilyong pisong  bank accounts niya.

Ayon kay VP Sara, ang nagbago lamang kay Trillanes ay ang nasa likod ng kanyang makinarya.

Partikular ang aniya’y pangulo na tumatangging magpa-drug  test at ang mga mambabatas na “law bender” na tumatanggap ng maleta.

Inupakan din ni VP Sara ang  mga tauhan ng Commission on Audit (COA) at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na aniya’y nagpapagamit sa pulitika.

Iginiit din ni VP Sara na lahat ng kanyang ari-arian at pera ay nakadeklara  sa kanyang SALN.

Nagbabala rin sa mga Pilipino si VP Sara hinggil  sa lalong lumalalim na paggamit at pang-aabuso ng administrasyon sa  mga institusyon para sa pulitika.

Inupakan din niya ang katahimikan at takot na managot sa bilyon-bilyong pisong ninakaw, ang mga salaping inilagay sa maleta, at inilabas sa bansa.

Facebook Comments