
Binusisi ni Senate President Sherwin Gatchalian ang paulit-ulit na pagbibigay ng catering contracts ng Davao City Hall sa GenCorp Industries Inc., ang kumpanyang sinasabing may business interest si Vice President Sara Duterte.
Sa pagharap ni Davao City Mayor Baste Duterte, kinwestyon ni Gatchalian kung sinilip ba ng alkalde kung bakit ang GenCorp ang palaging napipili sa catering food contracts gayong nagtataka ang senador dahil karaniwang maraming suppliers ang naglalaban-laban para sa procurement.
Sagot ni Mayor Duterte, naitanong niya ang tungkol dito kay Assistant City Administrator Atty. Tristan Dwight Domingo at simple lang aniya ang naging sagot sa kanya, ito ay dahil ang GenCorp ang “most qualified” at nakasunod sa lahat ng hinihinging requirements.
Gayunman, aminado si Mayor Baste na hindi niya tiningnan ang abstracts of quotations para sana malaman kung sino ang mga kalaban sa bid ng GenCorp, magkano ang alok at bakit ito ang nakakuha ng kontrata.
Sinabi rin ng alkalde na wala siyang alam na may kaugnayan ang kapatid na si VP Sara sa GenCorp dahil sa privacy ito ng buse at hindi nila ito napagusapan o kahit natanong man lang.










