
Kanselado ngayong araw ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa notice na inilabas ng Senate Impeachment Court na pirmado ni Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., kinakansela ang paglilitis ngayong araw at ipagpapatuloy sa Huwebes, October 1.
Paliwanag ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, ang pansamantalang pagpapaliban ng paglilitis ay bahagi ng Strategic Procedural Pause bilang paghahanda sa buong araw na marathon trial sessions na magsisimula sa October 1 hanggang 15, 2026.
Simula sa Huwebes ay buong araw na ang paglilitis na magsisimula ng alas 10 ng umaga at matatapos ng alas 6:30 ng gabi.
Sinabi pa ni Tongol na mabibigyan din ng panahon ang prosekusyon at depensa na masuri ang napakarami at makakapal na financial records mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC at sa Registers of Deeds.
Nilinaw din ni Tongol na tumigil muna ng isang araw ang impeachment trial hindi dahil nahuhuli sa schedule, bagkus nauuna pa nga sila sa nakatakdang schedule.










