
Binweltahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Department Of Public Works And Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon matapos bawiin ang deklarasyon nito na walang ghost projects sa Taguig City.
Sa Facebook livestreaming ng senador, tinanong niya ang kalihim kung nasaan ang paninindigan nito dahil tila biglang nabago ang kanta noong sitahin ni Senator Ping Lacson.
Kung matatandaan sa budget hearing ng DPWH sa Senado ay natanong ni Cayetano kung may mga ghost projects sa Taguig na sinagot naman ni Dizon na wala.
Idiniin ni Cayetano na mahirap na ginagawang politikal ang imbestigasyon sa mga proyekto pero nilinaw niyang hindi niya idinadamay dito ang Malakanyang.
Inakusahan din ni Cayetano si Lacson ng pagmamando sa Senado at pananakot sa mga hindi sumasang-ayon sa kanya na kahit sa impeachment court aniya ay makikita.
Samantala, sa social media post ni Lacson at nagpasalamat siya kay Dizon dahil nilinaw na under investigation ang umano’y iregularidad sa taguig projects matapos niyang balaan ang kalihim na pwedeng makasuhan kapag nagcover up sa anomalous projects.










