Friday, September 25, 2026

Bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez para sa kasong plunder, ikakasa sa Oktubre

Nakatakdang maghain ng petition for bail ang kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan 3rd Division para sa kasong Plunder sa Lunes, Sept. 29.

Ihaharap ng prosekusyon ang 23 witnesses para patunayan na malakas ang evidence of guilt ni Romualdez, habang 3 hanggang 4 witnesses to counter naman ang ihahanda ng kampo ni Romualdez.

Ayon kay Atty. Ade Fajardo, may option si Romualdez kung personal o via video conference itong dadalo sa bail hearing, pero sa ngayon ay wala pa umanong assessment ang kampp ng depensa sa estado ng mental health ni Romualdez.

Sisimulan ang bail hearing sa October 12 hanggang November 12, na ikakasa kada-alas-otso y media ng umaga at ala-una y media ng hapon tuwing Lunes, Martes, at Huwebes.

Samantala, dumalo din sa pre-trial proceedings ngayong Biyernes, Sept. 25 si Atty. Gabrielle Fernandina Rondain-Kapunan, para irepresenta si dating Congressman Zaldy Co.

Gayunpaman ay hindi umano alam ni Atty. Kapuman, kung may planong sumuko sa batas si Co.

Facebook Comments