56% ng mga Pinoy sa Hong Kong, nakaboto na

39

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na 56% na ng mg Pilipino sa Hong Kong ang nakaboto na.

Ito ay katumbas ng 52,000 na mga Pinoy sa Hong Kong na nakaboto na sa absentee voting

Mula naman ito sa kabuuang 93,625 na Pinoy registered voters doon.


Nagpaalala naman ang Konsulada ng Pilipinas na hanggang sa Lunes na lamang ang botohan.

Inaasahang bukas ay lalo pang dadagsa ang Pinoy absentee voters sa Hong Kong dahil maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) doon ang day off bukas.

Facebook Comments