Wednesday, July 8, 2026

KAPULISAN SA SAN FABIAN, NAGSAGAWA NG TALAKAYAN SA ANTI-BULLYING PARA SA KABATAAN

Nagsagawa ang San Fabian Municipal Police Station (MPS) ng isang educational lecture sa mga mag-aaral tungkol sa anti-bullying at mga batas na may kaugnayan sa kabataan noong Hulyo 7 sa Brgy. Nibaliw Magliba, San Fabian.

Dumalo ang ilang mga mag-aaral at nakibahagi sa talakayan tungkol sa Anti-Bullying at sa Juvenile Justice and Welfare Act.

Ayon sa ulat, itinuro sa mga bata ang kanilang karapatan at pananagutan, gayundin ang kahalagahan ng respeto, disiplina, at pakikipagkapwa para makatulong sa pagpigil sa karahasan sa loob ng mga paaralan.

Alinsunod ang naturang aktibidad sa programa ng San Fabian MPS na target mapalawak ang kamalayan ng mga mag-aaral at institusyong pang-edukasyon sa mga isyung may kinalaman sa kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments