Wednesday, July 8, 2026

DALAWANG WANTED PERSON, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON SA PANGASINAN

Dalawang wanted ang naaresto ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Sta. Barbara at San Carlos City noong Hulyo 7, 2026.

Unang naaresto ng mga tauhan ng Sta. Barbara Municipal Police Station (MPS) ang isang 42-anyos na lalaki at residente ng Sta. Barbara sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng dalawang bilang ng qualified theft, na may inirekomendang piyansang ₱40,000 bawat kaso.

Samantala, naaresto naman ng mga operatiba ng Malasiqui MPS ang isang 23-anyos na lalaki na nagtatrabaho bilang isang charcoal maker at residente ng San Carlos City sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong statutory rape, kung saan walang piyansang inirekomenda.

Nahaharap din ang suspek sa kasong sexual assault, na may inirekomendang piyansang ₱200,000.

Ang dalawang naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person upang matiyak ang pagpapatupad ng batas at paghahatid ng hustisya sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments