Tuesday, July 7, 2026

PBBM, iniutos na ang preemptive evacuation sa mga high risk area bago ang tumama ang Super Typhoon Bavi

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang whole-of-government approach bilang paghahanda sa inaasahang pagpasok ng isang super typhoon ngayong linggo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakipag-ugnayan na ang Palasyo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang matiyak na nakahanda ang lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa direktiba ng pangulo ang pagsasagawa ng pre-disaster risk assessment meetings sa mga lugar na posibleng maapektuhan at ang paglalagay sa pinakamataas na antas ng alerto sa mga response cluster ng ahensya.

Inatasan din ang mga lokal na pamahalaan na agad magsagawa ng preemptive evacuation sa mga high-risk area at tiyaking ligtas at maayos ang mga evacuation center, kabilang ang paghahanda ng hiwalay na lugar para sa mga alagang hayop at livestock.

Nakaposisyon na rin ang mga rescue team, relief goods at iba pang mahahalagang suplay.

Inatasan din ang mga ahensya na tukuyin ang alternatibong mga ruta, inspeksyunin ang mga kritikal na imprastraktura, ipatupad ang sea travel ban kung kinakailangan, at tiyaking agad na matutulungan ang mga vulnerable sector habang binabantayan ang posibleng pagkalat ng mga sakit dulot ng pagbaha.

Facebook Comments