Wednesday, July 8, 2026

DALAWANG DRUG SUSPECT, TIMBOG SA LA UNION AT PANGASINAN

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng mga awtoridad sa La Union at Pangasinan noong Hulyo 7 hanggang madaling-araw ng Hulyo 8, 2026.

Sa Bauang, La Union, isang 57-anyos na lalaki ang naaresto matapos bentahan umano ng ilegal na droga ang isang poseur-buyer. Narekober sa kanya ang tinatayang 2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱13,600, ₱500 buy-bust money, at isang piraso ng papel.

Samantala, sa Urdaneta City, Pangasinan, isa namang 58-anyos na magsasaka ang nasakote sa hiwalay na buy-bust operation. Bukod sa 2 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga ring ₱13,600, nakumpiska rin sa kanya ang isang improvised caliber 9mm na baril, isang magazine, tatlong bala, mga buy-bust money at isang coin purse.

Ang dalawang operasyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nahaharap na ang dalawang suspek sa kaukulang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang sasampahan din ng kaukulang kaso kaugnay ng ilegal na pag-iingat ng baril ang suspek sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments