
100 porsyentong handa na ang House prosecution panel para sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte na magsisimula ngayong araw.
Sabi ni House Prosecution Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang prosecutors, legal team at lahat ng sumusuporta sa kanila ay walang kapagurang pinaghandaan ang impeachment trial na bahagi ng kanilang constitutional duty.
Ayon kay Adiong, matagal nilang hinintay ang araw na ito at sa wakas ay magsisimula na ang proseso kung saan ang mga argumento laban kay VP Sara ay ihaharap sa hukuman at, sa tamang panahon ay mailalatag na ang mga ebidensya sa Impeachment Court.
Nilinaw ni Adiong na hindi layunin ng prosekusyon ang makipagpalitan ng soundbite o makipagtagisan ng pulitika.
Diin ni Adiong, ang kanilang layunin namin ay simple — ito ay ilatag ang ebidensya, sundin ang proseso, at hayaan ang Impeachment Court na magpasya batay sa batas at sa mga katotohanan.
Binanggit ni Adiong na nirerespeto nila Impeachment Court at ang proseso nito kaya anuman ang maging mga procedural rulings ay susundin nila at ipagpapatuloy ang kanilang tungkulin bilang mga kinatawan ng House of Representatives.










