KARAGDAGANG AYUDA, IPINAMAHAGI SA MGA TOBACCO FARMERS SA ECHAGUE

Cauayan City – Muling nakatanggap ng karagdagang cash assistance ang mga tobacco farmers sa Echague, Isabela na nakapagtanim noong 2019-2020.

Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng ₱3,500 cash assistance at ₱1,500 halaga ng bitamina mula sa Provincial Government of Isabela, sa pangunguna nina Gov. Rodito Albano III at Vice Governor Faustino Dy III.

Samantala, nagsagawa rin ng vaccination drive ang Municipal Agriculture Office ng Echague para sa mga alagang kalabaw sa Brgy. Salvacion upang matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Bukod dito, namahagi rin ang Department of Agriculture Regional Field Office 02 ng biofertilizer sa mga magsasakang miyembro ng Sadiri at Ipil Grande bilang bahagi ng National Rice Program ng pambansang pamahalaan.

Facebook Comments