Hinikayat ng Alaminos City Veterinary Office ang mga residente na mag-ampon ng mga impounded dogs na kasalukuyang nasa pangangalaga ng City Pound Unit bilang bahagi ng kampanya para sa responsableng pet ownership at animal welfare.
Ayon sa tanggapan, bukas para sa adoption ang ilang aso na nailigtas at dinala sa city pound, kung saan inaasahang mabibigyan ang mga ito ng panibagong tahanan at wastong pag-aaruga.
Maaaring bumisita ang mga interesadong mag-ampon sa City Veterinary Office sa Sabaro, Poblacion, Alaminos City, sa loob ng slaughterhouse compound, upang makita at personal na makapili ng mga asong maaaring i-adopt.
Layunin ng programa na mabawasan ang bilang ng mga asong napapabayaan sa lansangan habang isinusulong ang mas maayos na pangangalaga sa mga hayop sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











