Isinagawa sa Bayambang ang seminar na nakatuon sa legal protection at mga benepisyo ng senior citizens bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman ng mga nakatatanda hinggil sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas.
Idinaos ang aktibidad noong Mayo 13 kung saan tinalakay ang mga pribilehiyo, discount, social benefits, at mga probisyong nagbibigay-proteksyon laban sa pang-aabuso at diskriminasyon sa mga senior citizen.
Binigyang-diin din sa seminar ang kahalagahan ng tamang impormasyon upang matiyak na naaabot ng mga nakatatanda ang mga serbisyong nakalaan para sa kanila sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Layunin ng programa na mapataas ang kamalayan ng mga senior citizen sa kanilang legal na karapatan at mapalakas ang kanilang akses sa mga benepisyo at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




