
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa na maaari silang makakuha ng benepisyo at tulong sakaling magkasakit o maaksidente na may kaugnayan sa trabaho sa gitna ng masamang panahon.
Ayon sa Employees’ Compensation Commission, saklaw ng compensation program ang mga aksidenteng nangyayari habang papasok o pauwi galing sa trabaho.
Kabilang anila rito ang ang mga insidenteng nadulas dahil sa basang kalsada at nadisgrasya sa mga bukas na manhole.
Makakatanggap ang mga private employees ng benepisyo gaya ng tulong-pinansyal na nagsisilbing kapalit ng sahod habang hindi makapagtrabaho dahil sa work-related na aksidente o karamdaman.
Maaari rin silang makakuha ng reimbursement para sa hanggang 60 percent ng gastos sa pagpapagamot at medical consultation.
Kaugnay nito, kailangang magsumite ng tamang mga dokumentasyon ng insidente para mapatunayan na qualified sa benepisyo.










