Monday, August 24, 2026

Direct examination ng prosekusyon kay daying SDO Gina Acosta, ipinagpapatuloy ngayong day 17 ng impeachment trial

Muling humarap ngayong Day 17 ng impeachment trial ang dating Special Disbursing Officer (SDO) ng Office of the Vice President na si Gina Acosta.

Kung matatandaan, si Acosta ang kauna-unahang hostile witness ng prosecution team.

Ipinagpapatuloy ngayong araw ni Atty. Amando Ligutan ng prosecution team ang direct examination kay Acosta tungkol sa Article 2 o ang hindi wastong paggamit ni Vice President Sara Duterte ng P612.5 million confidential funds.

Kung matatandaan sa naunang pagdinig ay inamin ni Acosta na winithdraw niya sa loob lang ng isang araw ang P125 million confidential funds noong December 20, 2022 na inilagay sa apat na itim na traveling bags.

Inamin din ni Acosta na si Vice President Sara Duterte ang nag-utos na i-release ang pera at ibigay kay head ng security ng bise presidente na si Col. Raymund Dante Lachica na aniya’y siyang nagpapatupad ng confidential activities ng OVP noong 2023.

Gayunman, idiniin ni Ligutan na ito ay paglabag sa Joint Circular 2015-01.

Katwiran naman ni Acosta, si Lachica ang eksperto sa implementasyon ng confidential activities dahil siya ang may access sa national security at ito ay may utos mula sa head ng kanilang ahensya na si VP Sara.

Samantala, nasa 17 senator-judges ang present ngayong Day 17 ng impeachment trial.

Facebook Comments